Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)na posibleng magkaroon ng one-time big-time educational assistance payout ang kagawaran.
Ito ay dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga aplikante na nagbabaka-sakaling makakuha ng cash aid.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ipaprayoridad nila ang mga nasa malalayong lugar na walang kakayahang magparehistro online.
Kahapon, umabot sa mahigit apat na raang libong benepisyaryo na target ng kagawaran ang napamahagian ng educational assistance.