Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development ang mga alegasyong isang uri ng pork barrel ang 26 billion pesos na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP funds.
Ipinaliwanag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi naman mapupunta sa mga mambabatas ang akap funds kundi mismong sa kagawaran.
Layunin ng akap, na isang financial assistance program, na tulungan ang mga minimum-wage earner na apektado ng inflation at hindi saklaw ng iba pang programa ng DSWD.
Una nang ibinunyag ni Senator Imee Marcos na insertion ang akap fund na hindi isinama sa proposed spending plan ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.