Pursigido ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto sa ikatlong linggo ng Pebrero ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) at pamamahagi ng cash subsidies sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 Law.
Ang posibleng deadline, ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao ay kasunod nang naging konsultasyon ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa regional directors.
Sa ngayon aniya ay tuluy-tuloy ang isinasagawa nilang manual payout sa mga natitirang beneficiary ng ikalawang tranche ng SAP 2 partikular sa CALABARZON, National Capital Region at Central Luzon sa pamamagitan ng special disbursing officers ng ahensya.