Nasasaktan si Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman gayundin ang kanyang mga staff sa inaning batikos at pambibira sa bintang na itinago nila ang mga pamilyang palaboy sa buong panahon ng Asia PACIFIC economic Cooperation summit .
Sinabi ni Soliman na nakakasakit ng damdamin ang bira ng mga kritiko lalo na sa mga kasamahan nitong nagtrabaho ng husto sa National Capital Region.
Iginiit ni Soliman na si Manila Mayor Joseph Estrada ang humingi ng tulong sa kanila para i-register ang mga pamilyang tahanan sa lungsod ng Maynila sa modified Conditional Cash Transfer program at hindi para itago ang mga ito.
Karamihan sa mga street dwellers na hinakot sa kahabaan ng Roxas boulevard bago mag-APEC ay dinala sa Boystown sa Marikina City at Fabella Compound sa Mandaluyong city.
By: Aileen Taliping (patrol 23)