Pinag-re-resign na ng broadcaster na si Ramon Tulfo ang nakababatang kapatid na si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa pwesto nito.
Ito’y sa gitna nang pangamba na hindi makalulusot ang kalihim sa makapangyarihang Commission on Appointments.
Ayon kay Mon, kung hindi naman pina-pahalagahan ang trabaho ng kanyang kapatid sa DSWD ay maiging magbitiw na lamang ito bilang secretary sa halip na maging kapit-tuko.
Iginiit ng broadcaster na ang C.A, na dalawang beses nang-bypass sa appointment ng nakababatang kapatid, ay binubuo ng mga “engot” na may kanya-kanyang pang-sariling interes.
Inihalintulad pa ni Mon si Erwin kay yumaong dating environment secretary Gina Lopez, na ibinasura rin ng C.A ang appointment, noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
May ikatlo at huling pagkakataon pa ang kalihim para tuluyang paka-alpas sa makapangyarihang komisyon.
Magugunitang ginisa ang DSWD secretary ng mga miyembro ng C.A dahil sa pagiging convicted nito sa kasong habang kinuwestyon din ang kanyang citizenship.