Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabenipisyuhan ang nasa 11.5-milyong pamilya.
Ayon kay DSWD secretary Rolando Bautista, aabot sa 2-milyon ang nagparehistro sa ‘Relief Agad’ app ng ahensya para sa pamamahagi ng karagdagang cash assistance sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Gamit aniya ang ‘Relief Agad’ app, nasa 17 rehiyon ang nakapag-validate na ng mga encoded registrant.
Kasabay nito, ipinabatid ng kalihim na tapos na ang guidelines kaya’t maaari nang pasimulan ngayong linggo ang distribusyon ng 2nd tranche ng SAP cash assistance.