Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matatanggap na ng 80% porsyento ng mga benepisyaryo ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ang kanilang ayuda sa katapusan ng Hulyo.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, isasalang naman sa cross checking o dobleng pagsusuri ang nalalabing 20% porsyento ng mga benepisyaryo.
Sinabi ni Bautista, hawak na ng kawagaran ang pondo para sa ikalawang tranche ng SAP pero natatagalan aniya sila sa pagcheck sa listahan ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Aniya, marami kasing mga benepisyaryo ang na-doble ang natanggap na ayuda noong first tranche na dapat ay bawiin ng mga lokal na pamahalaan.
Dagdag ni Bautista nagsimula na silang mamamahagi ng ikalawang tranche sa ilang mga lugar sa Metro Manila sa pamamagitan ng online payout habang sa ibang rehiyon naman ay mano-manong disbursement.