Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matapos hanggang Hunyo 25 ang pamamahagi sa second tranche ng social amelioration program (SAP) .
Matatandaan na hanggang Hunyo 25 lamang ang buhay ng bayanihan to heal as one act kung saan nakapaloob ang P200-M na pondo para sa SAP.
Ayon kay DSWD Usec. Glen Paje, naipadala na nila ang ayuda para sa may 1.3-M na naka-enroll sa 4P’s at umaarangkada na rin ang pamamahagi ng sap sa cordillera administrative region at baguio city.
Inaasahan naman anyang masisimulan na ngayong linggo ang pamamahagi sa Davao, Regions 4-B, 5, 9 at Caraga.
Sinabi ni Paje na kumpiyansa silang mas mabilis na ang pamamahagi ngayon ng sap dahil gagamitan na nila ito ng digital platform tulad ng gcash, landbank, paymaya at iba pa.
Nasa 17-M ang target na mabigyan ng pangalawang ayuda sa ilalim ng sap, kabilang ang 5-M na idinagdag ng Pangulong Rodrigo Duterte.