Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong sa pamilya ng walong indibidwal na nasawi matapos tangayin ng baha ang sinasakyan nilang jeep sa Tanay, Rizal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na kanila ring pagkakalooban ng tulong ang mga nasugatan sa nangyaring aksidente.
Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa municipal local government ng Tanay, Rizal.
Nabatid na kabilang sa mga nasawi ang pitong senior citizens at isang limang taong gulang na bata.