Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi maaapektuhan ang kanilang trabaho sa gitna ng pandemya.
Ito’y matapos makapagtala ng 434 na staff ng DSWD ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa nasabing bilang, 123 ang kumpirmadong kaso, 74 na active case habang ang iba ay sumasailalim sa quarantine.
Kasabay nito, tiniyak ng DSWD ang kanilang pag-alalay sa mga pangangailangan ng kanilang mga tauhan gaya ng medical assistance at pagkain.