Nakatutok na sa mga posibleng maapektuhan ng Low Pressure Area (LPA) sa Bicol Region ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa tala ng nasabing field office, nakapreposisyon na sa ilang lugar sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes ang 37, 290 family food packs at gayundin ang higit 50,000 non-food items.
Pagtitiyak naman ng DSWD Bicol, nakaantabay na at sapat na suplay ng ayuda nito para sa posibleng pag-responde at patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa municipal action teams at sa kanilang disaster response personnel na naka-stanby na rin.
Magugunitang una nang ibinabala ng pag-asa ang posibleng pagbaha at landslides dahil sa katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan na dulot ng LPA.