Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matatapos na nila sa loob ng buwang ito ang distribusyon ng second tranche ng emergency cash subsidy sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, 97% accomplished na aniya ang ahensya hinggil sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng SAP para sa lahat ng mga qualified beneficiaries nito.
Aabot na aniya sa P82.7-B ang kabuuang halaga na kanila na aniyang naipamigay sa labis na nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.
Patuloy pa aniya ang pamimigay ng DSWD ng ayuda para sa natitirang 240,000 families na mula sa Region 3 at Region 4.