Bumisita sa Central Visayas si Department Of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ng DSWD, na bahagi ito ng inisyatiba nito sa pagtulong sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Odette upang suriin ang paunang pamamahagi ng tulong pinansyal sa Negros Oriental.
Dagdag pa ng DSWD, ang tulong pinansyal ay ibinigay sa pamamagitan ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa bawat partially at totally affected family.
Batay sa tally ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may kabuuang isa 1.1 milyong pamilya o 4.4 milyong indibidwal ang naapektuhan ng kamakailang pananalasa ng bagyo. —sa panulat ni Kim Gomez