Humiling ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) para sa kanilang Cash Aid Program.
Ito’y para maibsan ang paghihirap ng ilang pamilya sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa merkado.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, hindi sapat ang 10 bilyong pisong pondo na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.
Kaya’t nananawagan ang kagawaran na madagdagan ang pondo para maituloy na ang second tranche na 500 pesos kada buwan.
Samantala, ayon sa DBM, inaprubahan na ang pamimigay ng mahigit apat na bilyong piso para sa naturang programa.