Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang naiulat na nasawi sa kabila ng pag-hagupit sa bansa ng severe tropical storm Florita.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, walang casualty reports mula sa Office of the Civil Defense, National Disaster Risk Reduction and Management Council, Regional Offices ng DSWD, maging Local Government Units (LGUs).
Sinabi naman ni DSWD Undersecretary for Disaster Management and Response Marco Bautista na mahigit 1.13 billion pesos ang naipamahaging tulong ng kanilang ahensiya sa mga naapektuhang pamilya ng bagyo.
Samantala, idinagdag pa ni Bautista na ang food packs at hygiene kits ay ipinamigay na rin sa evacuation centers.