Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) at City Price Coordinating Council (CPCC) ng Cagayan de Oro sa mga tindahan ng christmas lights sa lungsod.
Ayon kay CPCC Head Atty. Jose Edgardo Uy, ginawa ang inspeksyon para masigurong ligtas ang mga ibinebentang christmas lights.
Aniya, binigyan muna ng due process ng DTI ang mga may ari ng tindahan na may mababang kalidad ng naturang produkto bago ito patawan ng kaukulang parusa.
Magugunitang noong 2014 ay nakumpiska ng lokal na pamahalaan ng naturang lungsod ang malaking bilang ng mga substandard na christmas lights.