Nag-ikot sa Marikina Public Market ngayong araw ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).
Ito ay para i-monitor ang suplay ng presyo ng pangunahing mga bilihin ngayong nalalapit na ang Pasko.
Nanguna sa ‘Ikot Palengke Run’ sina Trade Secretary Alfredo Pascual, Trade Undersecretary Ruth Castelo, Marikina Mayor Marcy Teodoro, iba pang opisyal ng DTI at DA.
Matapos ang Marikina Public Market, sunod na pinuntahan ng grupo ang ilang supermarket sa lungsod para i-monitor ang supply at presyo ng mga produktong pang-noche buena.
Ngayong araw inaasahang ilalabas ng DTI ang panibagong price guide sa noche buena items sa mga pamilihan sa Metro Manila.