Hindi dapat pag-initan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang online barter.
Ito ang iginiit ni house committee on ways and meanss chairman and Albay Representative Joey Salceda matapos ihayag ng DTI na tutugisin ang mga gumagawa ng modern day barter trade o palitan ng mga produkto o serbisyo sa online.
Ayon kay Salceda, mas maraming bagay ang dapat na pagtuunan ng pansin ng DTI lalo’t wala namang masama sa barter trade dahil ito ay legal batay sa new civil code.
Sa ilalim ng barter system ay nagpapalitan lamang ng produkto at walang perang sangkot o pinambabayad dito.
Ani Salceda, mas mainam pa kung atupagin ng DTI ang pagbabantay sa presyo ng bilihin at ang pagbibigay ng suporta sa mga negosyo.