Hindi pa nakikita ng Department of Trade and Industry (DTI) na gagalaw ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga produkto sa bansa sa kabila ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay trade undersecretary Ruth Castelo, iisang request pa lamang mula sa mga manufacturer ang kanilang natanggap na hindi sapat para magtaas-presyo.
Para mag-reflect ang epekto ng kaguluhan sa presyo ng produkto sa Pilipinas, kukuha pa ito ng tatlong buwan bago maganap.
Suportado naman ng DTI ang pag-stock ng mga agricultural products tulad ng imported na frozen meat.—sa panulat ni Abby Malanday