Posibleng ibalik ng Department of Trade and Industry o DTI ang pre-approval sa pagtatakda ng suggested retail prices (SRP).
Ito, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ay kung mayroon silang makitang biglaang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin na resulta ng mas mataas na excise tax sa ilalim ng bagong tax reform law.
Ipinaliwanag ni Lopez na hindi pa dapat maapektuhan ng bagong batas ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin lalo’t mayroon pang mga lumang stock tulad ng krudo at softdrinks.
Hindi pa affected ‘yun ng excise tax dapat hindi pa tumaas ang presyo doon.
So, kung may magde-deliver sa ngayon, from the distributor to the retailers sa mga sari-sari store, hindi pa dapat magbago ang presyo dyan dahil ‘yun pa ‘yung dati under the old prices, wala pang excise tax.
Batay aniya sa pagtaya ng DTI, ang epekto ng mas mataas na buwis sa mga produktong petrolyo sa total production costs ng mga manufacturer ay 0.4% lamang.