Hinimok ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang mga kumpanyang magbabalik operasyon na sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na maglaan ng transportasyon o matutuluyan para sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Lopez, nagpasiya ang Inter-Agency Task Force (IATF)na payagan lamang ang partial operation ng ilang mga industriya para maging limitado pa rin ang galaw at dami ng mga tao sa labas ng tahanan sa kabila ng pagbubukas ng ekonomiya.
Aniya, makabubuti rin kung makapaglalaan ang isang kumpanya ng lugar na matutuluyan ng mga papasok na empleyado malapit sa kanilang mga opisina.
Gayundin ang pagbibigay ng transportasyon sa mga ito.
Batay sa resolusyon ng IATF, nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine ang buong National Capital Region, Laguna, Bulacan, pampanga kabilang ang Angeles City, Bataan, Nueva Ecija at Zambales.
Tuloy pa rin sa pag-encourage sa mga businnes owners, Na-una na maaring sana magkaroon ng temporary accomodation sa mga workers nila na hindi na lalayo. Ito po sana ay either with inside or nearside; malapit kung saan ‘yung pinagtatrabahuhan kasi po wala pa po tayong public transportation. Pagbigay po ng shuttle services ay kailangan pong i-provide ng kumpanya. ani Lopez