Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpaparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga online business, maliit man o malaki.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang reyalidad anya sa pagnenegosyo online man o hindi ay dapat, rehistrado ito sa BIR dahil ito ang tamang proseso sa pagne- negosyo sa Pilipinas.
Sinabi ni Lopez na mas lumalakas ang kumpyansa ng mga mamimili sa isang negosyo na rehistrado dahil nakakapag isyu ang mga ito ng resibo.
Kalaunan anya ay lalaki rin ang mga maliliit na online businesses at mangangailangan sila ng dagdag kapital na makukuha lamang nila sa mga bangko kung saan isa sa mga requirements ay business registration.