Lumagda na ng kasunduan ang Department Of Trade And Industry (DTI) at International Labour Organization (ILO) para sa dalawa punto 2-M dolyar na Japan-ILO project.
May pangalan ang proyekto na “bringing back jobs safely under the covid-19 crisis in the philippines: rebooting small and informal businesses safely and digitally.”
Inilunsad ito noong hulyo 2021 na layong suportahan ang pagbangon ng mga maliliit na negosyo mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa kasunduan ang pagpapaunlad ng suporta sa kaligtasan, kalusugan, at produktibidad sa trabaho, digital entrepreneurship at edukasyong pinansyal para sa mga msmes at informal business.
Ilan sa mga lumagda sa kasunduan ay sina ILO Philippines Director Khalid Hassan, Dti Regional Operations Group Undersecretary Blesila Lantayona, at Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) Director General Danilo Cruz.—sa panulat ni Hannah Oledan