Inihayag ng Department of Trade and Industry na 94.24% sa mga business establishments sa NCR ang sumusunod sa Minimum Public Health Standards (MPHS) na itinakda ng gobyerno upang mabawasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa noong nakaraang taon.
Ayon sa DTI-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB), sa mahigit limang libong (5,267) kumpanyang ininspeksyon noong 2021, mahigit apat na libo rito (4,121) ang nag-obserba at sumunod sa health standards.
Nasa mahigit isang libo (1,146) naman na non-compliant business establishments ang inisyuhan ng request for corrective action o rcas kung saan halos anim na raan (590) dito ang sumunod sa itinakdang oras at halos tatlong daan (292) ang inendorso sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) para sa karagdagang aksyon at imbestigasyon.
Samantala, sinabi ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo na dapat na mahigpit na sundin ng mga negosyante ang health protocols para sa mas ligtas na operasyon sa gitna ng pandemya. —sa panulat ni Airiam Sancho