Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa noche buena items ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Magsisilbing gabay ang listahan sa mga mamimili sa paghahanda ngayong holiday season.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, naglabas sila ng price guide para tulungan ang mga konsyumer lalo’t hindi sakop ng suggested retail price ang noche buena items.
Makatutulong aniya ang tala para maiwasan ang mga pilipinog mabiktima ng profiteering at makahanap ng alternatibo sa mga bilihin lalo’t halos 200 noche buena item ang nagtaas ng presyo.
Batay sa inilabas na price guide ng DTI, narito ang presyo ng ilang noche buena items na madalas makita sa hapag-kainan ngayong pasko;
⦁ Ham – P163 hanggang P892
⦁ Fruitcocktail – P56 hanggang P288
⦁ Cheese – P54 hanggang P371
⦁ Keso de Bola- P199 hanggang P513
⦁ Mayonnaise – P24 hanggang P234
⦁ Sandwich Spread – P26 hanggang P252
⦁ Pasta – P25 hanggang P111
⦁ Elbow Macaroni – P23 hanggang P119
⦁ Salad Macaroni – P36 hanggang pesos P117
⦁ Spaghetti Sauce- 23 hanggang 95
⦁ Tomato Sauce – P17 hanggang P19
⦁ at All Purpose Cream- P63 hanggang P75
Muli namang nagpaalala ang DTI sa mga consumers na ipagbigay-alam ang mga retailer at manufacturer na lalabag sa itinakdang price guide.