Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang pamilihan sa Metro Manila upang tiyakin ang sapat na suplay ng mga bilihin at kung sumusunod ang mga ito sa itinatakdang suggested retail price (SRP).
Sa pag-iikot ng DTI, isang supermarket ang naisyuhan ng letter of inquiry dahil lagpas sa SRP ang kanilang ibinebentang keso at mayonnaise.
Binigyan naman sila ng DTI ng tatlong araw upang magpaliwanag hinggil dito.
Nasita rin ng ahensya ang management ng isa pang supermarket dahil walang price tag ang ilang mga produkto nito.
Kinapos naman sa suplay ng produkto tulad ng ham at quezo de bola ang isa pang pamilihan dahil hindi umano nila inaasahan ang dagsa ng mga mamimili.