Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela na patuloy ang pagbabantay ng kanilang mga kawani sa mga grocery at supermarket.
Ayon kay Consumer Protection Division Chief Elmer Agorto, ang pagmomonitor ng kagawaran sa mga nasabing establisyimento ay para matiyak na hindi mananamantala ang mga negosyante.
Aniya, ito rin ay upang masiguro na magkapareho ang presyo sa mga produkto at mga naka-rehistro sa computer cashier na dapat ding bantayan ng mga mamimili.
Una nang nagtaas-presyo ang mga raw material at packaging ng ilang produkto. —sa panulat ni Airiam Sancho