Hinimok ng Department of Trade and Industry ang mga residente ng Albay na agad ipagbigay alam sa kanila ang sinumang mananamantala sa pagtaas ng presyo.
Ito ay kasunod ng magpatupad ng price freeze ni DTI Secretary Alfredo Pascual sa albay matapos na isailalim ito sa state of calamity.
Sinabi pa ni Sec. Pascual na tuloy tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga manufacturers para matiyak na may sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin.
Sa ilalim ng naturang “Price Freeze” Ay magiging status quo ang mga presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa albay gaya ng mga tinapay, delata, sabon at maraming iba pa.