Pinag-aaralan na ng DOH o Department of Health ang rekomendasyon ng DTI o Department of Trade and Industry hinggil sa paglalagay ng “health information label” sa mga inuming may mataas na lebel ng asukal.
Ayon kay DTI Undersecretary for Consumers Protection Group Ruth Castello, layon ng hakbang na mabigyan ng kaalaman ang mga mamimili kung mababa, katamtaman o mataas ang “sugar content” ng nais nilang bilhin na inumin.
Nakasaad din sa rekomendasyon ng DTI ang pag-aaral ng WHO o World Health Organization kung gaano karami dapat ang “sugar intake” ng isang tao.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa sakit na maaring makuha sa sobrang konsumo ng asukal tulad ng diabetes at obesity.