Maglalagay na rin ng NFA rice sa mga supermarkets ang National Food Authority (NFA).
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, iminungkahi niya ito sa NFA upang mapalawak ang mga lugar kung saan puwedeng makabili ng murang bigas.
Maliban dito, naatasan na rin aniya ang NFA na maglagay ng regular at well-milled rice sa kanilang retail outlets sa mga palengke dahil nasa 39 hanggang 42 pesos lamang ang presyo nito.
Sinabi ni Lopez na ang nakita nilang solusyon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay padamihin ang suplay ng mga produkto sa pamilihan sa pamamagitan ng importasyon.
Tinukoy ni Lopez ang mga halos limang milyong tonelada ng bigas na inimport ng NFA.
Nakapag-bid na rin anya ang pamahalaan para sa dagdag na dalawang milyong tonelada ng bigas at limang milyon na darating bago matapos ang taon.
—-