Maglilibot ang Department of Trade and Industry sa mga palengke upang mag-alok ng pautang na may mababang interes bilang tulong sa mga maliit na negosyante.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, layunin ng loan tour na bahagi ng “pondo para sa pagbabago at pag-asenso” na mahikayat ang mga small and medium enterprise na umiwas sa mga loan shark o nagpa-Five-Six na may malaking interes.
Una ng nagpasaklolo ang Securities and Exchange Commission sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na maglunsad ng kampanya kontra informal lending.
Binatikos din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “5-6″ lending sa kanyang talumpati sa Beijing, China na pumapatay sa mga maliit na negosyo ng mga Filipino sa pamamagitan ng mataas na interest rates.
By: Drew Nacino