Magsasagawa ng pagdinig ang Department of Trade and Industry (DTI) matapos ang hirit ng basic necessities and prime commodities manufacturers na alisin ang ilang produkto sa suggested retail price bulletin.
Ayon sa DTI, lumikha na sila ng draft department administrative order na layong bumuo ng guidelines para sa pagdagdag at pag-alis ng produkto.
Sa naturang pagdinig, magkakaroon ng evaluation, processing at aksyon sa hirit ng mga manufacturer.
Para mailista o mai-alis sa listahan, oobligahin ang petitioners na isumite ang mga dokumento sa DTI-Consumer Protection and Advocacy Bureau.
Kasama sa basic commodities ang tinapay, sardinas, processed milk, kape at instant noodles habang ang prime commodities ay harina, patis, suka, school supplies at sabon.