Magtatakda na rin ng suggested retail price (SRP) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilan pang mga produkto sa merkado.
Ito, ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo ang nakikitang solusyon ng DTI para makaambag sa target nang gobyerno na mapabagal pa ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahiung bilihin.
Kabilang anIya sa kanilang isasama sa listahan ng mga produktong may SRP ang 3 in 1 coffee, asin, ilang brands ng delata, tomato sauce, processed milk, instant noodles, sabong panlaba at panligo maging iba pang mga condiments.
Magsisilbi aniya itong gabay ng mga tindahan sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto at batayan ng gobyerno kung overpriced ang presyo ng mga naturang produkto sa merkado.