Mahigpit na babantayan ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga paggalaw sa presyohan sa mga pamilihan kasunod ng pagpapatupad ng tax reform law.
Ayon kay DTI Secreatry Ramon Lopez, wala pang isang porsyento (1%) ang dapat na paggalaw sa presyo ng mga bilihin dahil sa dagdag na excise tax.
Hindi din aniya dapat kaagad na ipinapasa ito sa mga mamimili.
Samantala, magkaiba naman ng pananaw ang DTI at ng Philippine Amalgamated Supermarket Association sa epekto ng excise tax sa langis sa mga pangunahing bilihin.
Iginiit ni Philippine Amalgamated Supermarket Association President Steven Cua, marami pang dinaraanan ang mga ibinabiyaheng produkto mula sa planta patungong supermarket na nakaapekto rin sa presyo nito.