Pinayuhan ng Department of Trade and Industry ang mga konsumer na agahan ang pagbili ng school supplies.
Ito ay bago pa tuluyang magmahal ang presyo ng mga gamit pang-eskwela.
Batay sa inspeksyon ng DTI,nasa 12 Pesos hanggang 32 Pesos ang presyo ng kada 80 leaves ng notebook.
Nasa 6 Pesos hanggang 15 Pesos naman ang pad paper na pang Grade 1 hanggang Grade 4 habang nasa 12 Pesos ang tatlong piraso ng lapis at naglalaro sa 5 Pesos hanggang 14 Pesos ang kada isang ballpen.
Ayon sa DTI, nakalagay na sa kanilang website ang Suggested Retail Price ng school supplies.
Maaari namang ireklamo sa DTI ang mga konsumer na makakakita ng pag-abuso sa presyo.