Pina-alalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamimili na laging tiyaking certified indoor christmas lights ang bibilhin upang gawing dekorayon sa kanilang mga bahay sa christmas season.
Ayon sa DTI, dapat maintindihan ng consumers ang peligrong hatid ng mga hindi sertipikadong christmas lights lalo’t ginagamitan ito ng kuryente.
Binigyang-diin ng kagawaran ang kahalagahan ng pagbili ng mga christmas lights na may marka ng product standard at sticker ng import commodity clearance na patunay na ligtas ang mga ito at maganda ang kalidad.
Maliban sa ICC sticker, pinayuhan din ng kagawaran ang mga consumer na tiyaking makapal ang wiring ng mga christmas lights upang makaiwas sa posibleng sunog.
Karaniwan ng sanhi ng sunog tuwing magpapasko ang mga dispalinghadong christmas light na kadalasa’y maninipis ang wiring at minsa’y naiiwang nakabukas. —sa panulat ni Drew Nacino