Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga magulang at consumers na bumibili ng school supplies para sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Ayon kay Trade Consumer Protection Group Assistant Secretary Ann Cabochan, dapat gawing gabay ng mga mamimili ang suggested retail price (SRP) kapag bumibili ng pagkain at kagamitan.
Dito anya makikita kung anong klaseng gamit ang kanilang bibilhin depende sa brand.
Sa panibagong SRP list na inilabas ng DTI, nasa 17 hanggang 34 pesos na ang presyo ng kada isang notebook, 8 hanggang 27 pesos ang lapis at 4 hanggang 19 pesos sa ballpen.
Ang isang kahon naman ng krayola ay nasa 18 hanggang 27 pesos habang ang pantasa ay 14 hanggang 54 pesos.