Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga restaurant at ibang pang food establishments na magpatupad ng ibayong ingat sa kanilang operasyon sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Kasabay na rin ito ng muling pagbubukas ng partial dine-in services sa mga kainan simula ngayong araw.
Ayon kay DTI Undersecretary Boy Vizmonte, kanilang pinapayuhan ang mga negosyante na mahigpit na ipatupad ang mga itinakdang alintuntunin ng ahensiya at pamahalaan para maiwasan ang kontaminasyon ng COVID-19.
Sinabi ni Vizmonte, magsasagawa ng random inspection sa mga food establishments ang DTI, department of tourism, labor and employment at interior ang local government katuwang ang mga local health officers.
Una nang inaprubahan ng IATF ang pagbabalik ng 30% na kapasidad ng dine-in services ng mga restaurants at food establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine simula ngayong araw.