Ipasasara muli ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ni Secretary Ramon Lopez ang ilang negosyong ipinabukas noon ng kagawaran dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Kabilang sa mga muling ipasasara ng DTI ay ang driving schools, sinehan, museum at cultural centers habang muling ipagbabawal naman ang mga social events sa mga accredited na establisyemento ng Department of Tourism (DOT) at ibabalik naman sa 50% capacity ang mga restaurants.
Ayon kay Lopez, maglalabas ang DTI ng circular kaugnay sa ipatutupad na dalawang linggong muling pagsasara ng ilang negosyo sa mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Magugunitang ang DTI rin ang nagtulak upang muling buksan ang mga nasabing negosyo para sa recovery ng ekonomiya ng bansa.— sa panulat ni Agustina Nolasco