Muling umapela sa publiko ang Department of Trade and Industry (DTI) na huwag mag-panic buying ng alcohol, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ayon sa Trade Undersecretary Ruth Castelo, walang dapat ikabahala ang publiko dahil sapat ang suplay ng lahat ng kailangan sa araw-araw.
Unang una, hindi naman tayo mauubusan ng supply. According to the manufacturers, dire-diretso po ang supply. We have more than enough for the next two months. At dahil local manufacturers naman ito, any time we need more supply ay makakapagbigay sila dahil ang raw materials are also available here,” ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.
Dagdag pa ni Castelo, iniiwasan din ang posibleng pananamantala ng mga bumibili ng bulto-bulto at ibinebenta ang mga ito sa mataas na halaga.
Kaya we agreed with the retailers the sale of alcohol to two (2) bottle per person. Iniiwasan natin yung hoarding pagkatapos ay ibebenta at higher price,” dagdag pa ni Castelo.