Nag-abiso na ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa pagpapatupad ng prize freeze sa mga pangunahing bilihin.
Ito ay kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency dahil sa pagdami ng kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Sa abiso ng DTI, hindi dapat gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng 60 araw.
Kaugnay na rin ito ng madalas na umanong natatanggap na reklamo ng DTI hinggil sa over pricing o mataas na presyo ng mga face mask.
Paalala ng ahensya, P3 hanggang P12 lamang ang Suggested Retail Price (SRP) para sa mga disposable mask.
Samantala, hinimok naman ng DTI ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga nagpapataw ng mataas na presyo ng face mask at iba pang mga pangunahing bilihin.