Nag-ikot sa mga groceries ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ni DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan.
Isinagawa ng DTI ang inspeksyon, isang araw matapos aprubahan ang hinihinging increase ng ilang manufacturer ng noche buena products tulad ng hamon, mayonnaise, pasta, fruit cocktail, cream cheese at iba pa.
Ayon kay Cabochan, resonable naman 2% hanggang 13% increase na inaprubahan nila para sa noche buena products.
Kinumpirma ni Cabochan na binabaan ng manufacturers ang produksyon ng hamon dahil sa African Swine Fever (ASF) subalit sapat pa rin naman aniya ang suplay.