Nag-ikot sa mga supermarket ang Department of Trade and Industry (DTI) upang patunayang hindi tumaas ang presyo ng pangunahing mga bilihin, dalawang (2) linggo matapos umarangkada ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Pinangunahan ng bagong talagang Undersecretary for Consumer Protection na si Ruth Castelo ang pagsilip sa presyo ng mga pangunahing bilihin kung saan kanilang inuna ang loaf bread at pandesal na pasok pa rin sa suggested retail price (SRP).
Sinilip din ang presyo ng instant noodles na nasa P6.30 hanggang P7.30 kada pakete habang may isang brand ng corned beef at luncheon meat na mababa pa ng P0.50 ang SRP.
Sinilip din ni Castelo ang presyo ng manok o dressed chicken na nasa P135.00 hanggang P140.00 kada kilo kahit pa Department of Agriculture (DA) ang nakakasakop dito.
Nilinaw ng opisyal na hindi naman totoo na tumataas at hindi din totoong maaapektuhan o malaki ang epekto sa mga consumer sabay panawagan na dapat ng tigilan ang pagpapakalat ng maling balita na ikinaaalarma ng publiko.