Naglabas na ng bagong suggested retail price ang Department of Trade and Industry para sa school supplies.
Layon ng srp bulletin “gabay sa pamimili ng school supplies,” na magabayan ang mga consumer sa pagbili ng mga gamit pang-eskwela.
Batay sa inilabas na price guide, naglalaro sa P23- P52 ang presyo ng mga notebook habang ang pad paper naman mula Grade 1 – 4 ay nagkakahalaga ng P21- P28.- P19 ang presyo ng ballpen.
Nakadepende naman sa laki ng eraser ang presyo nito na mabibili mula P4.50 – P 20.
Ayon sa ahensya, bagamat hindi gumalaw ang presyo ng ilang school supplies, tumaas naman ang presyo ng ilang gamit pang-eskwela dahil sa epekto ng pagsirit ng global cost ng mga basic raw material.
Tiniyak naman ng DTI na nakikipag-ugnayan sila sa mga manufacturer ng school supplies upang masiguro ang makatwirang presyo at sapat ang supply ng mga ito sa merkado.