Nag-utos ng isang buwang moratorium ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagbabayad ng UOA sa residential units, sa gitna na rin ng enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi muna magbabayad sa due date na sakop ng quarantine period ang isang nangungupahan ng bayad subalit kailangang magbayad pa rin.
Marami aniyang negosyo ang sarado ngayon at maraming Pilipino ang walang suweldo ng isang buwan kayat kailangang bigyan ng palugit.
Sinabi ni Lopez na ang nasabung palugit ay nakasaad sa memorandum na inisyu ni Executive Secretary Salvador Medialdea kaugnay sa pagpapatupad ng bayanihan law na nagbibigay sa pangulong duterte ng pinalawig na kapangyarihan para i-realign ang national government budget upang tugunan ang COVID-19 pandemic.
Gumagawa na aniya sila ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa nasabing probisyon ng bayanihan law para mabayaran ng installmanet basis ang hindi nabayarang buwanang upa sa residential units.
Kasabay nito, ipinabatid ni Lopez na applicable rin ang 30-day moratorium sa bank loans tulad ng car loans at iba pang consumer loans.