Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga bakasyonista na tiyaking nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga travel agency na kanilang ibino-book kasabay ng nalalapit na Lenten break.
Kasunod na rin ito ng mga natatanggap ng reklamo ng DTI hinggil sa mga iligal na agency at mga online travel scam.
Payo naman ni Philippine Travel Agencies Association (PTTA) President Marlene Jante, mas makabubuti kung magbo-book sa mga travel agency na merong opisina at hindi lamang online.
Makabubuti aniyang mapuntahan ng isang biyahero ang opisina ng travel agency bago mag-book para makita na rin ang mga business permits nito.
Samantala, nagpaalala naman si PTTA Vice President Dolly Santos laban sa mga murang iniaalok na travel packages na posibleng scam lamang.
—-