Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga hindi sumusunod sa price freeze.
Ito’y kasabay ng isinasagawa nilang inspeksyon sa mga pamilihan upang matingnan kung pasok sa suggested retail price ang mga bilihing pang-Noche Buena at ilan pang pangunahing bilihin.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, maaaring makulong at pagmumultahin ang mga negosyanteng hindi susunod sa price freeze sa mga pangunahing bilihin.
Ipinatupad ito kasunod ng pagdeklara ng state of calamity sa buong Luzon bunsod ng sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo.
Hinikayat naman ng DTI ang mga mamimili na bisitahin ang website ng ahensya o ang e-presyo app para sa gabay ng tamang presyo ng basic goods.