Hindi pa pagmumultahin ang mga trader na nagbebenta ng produkto nila ng mas mataas ng bahagya sa SRP o Suggested Retail Price.
Gayunman sinabi ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Teodoro Pascual na papanagutin ang mga trader kung 40 hanggang 50 porsyentong mas mataas sa SRP ang presyo ng ibinibentang produkto.
Bukod sa multa ibinabala ni Pascual ang pagbilanggo sa mga tiwaling negosyante na lalabag sa anti-profiteering law.
Kasabay nito umapela si Pascua sa publiko na tumulong sa DTI na i monitor ang presyo at kaagad magsumbong sa gobyerno kapag may mga sobra sobrang pagtataas sa presyo.
Muling iginiit ni Pascua na walang dapat maging pagtaas sa presyo ng Noche Buena items lalo nat may ipinalabas na silang SRP dito.
By: Judith Larino