Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online seller na hindi sumusunod sa suggested retail price (SRP).
Ito’y matapos dumami ang mga namimili ng kanilang pangangailangan online.
Ayon kay DTI undersecretary Ruth Castelo ng DTI consumer protection group, lahat ng nagbebenta online ay dapat na sumunod sa itinakdang SRP ng ahensya.
Kasabay nito, tiniyak ni Castelo na mahigpit nilang minomonitor ang presyo ng mga produkto na ibinebenta online.
Kumikilos na rin umano ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para mahuli ang mga gumagawa ng overpricing, profiteering o nagbebenta ng mababang kalidad na mga produkto.