Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online sellers na sinasamantala ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar, para itaas ang presyo ng kanilang mga imported na produkto.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, dapat pa ring sumunod ang mga online sellers sa presyong itinakda ng departamento lalo’t galing sa ibang bansa ang kanilang itinitinda.
Ibinabala naman ni Cabochan ang parusang naghihintay sa sinumang mananamantala lalo’t nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.
Kahapon bumagsak pa sa 59 pesos ang palitan ng piso kada isang dolyar na 12 beses nang pinakamababa ngayong taon.